1. BUBUYOG. Ito yung mga tao na ginawa nang misyon ang kilalaninlahat ng tao sa party, yung akala mo mag-aanounce ng kandidatura pagkatapos ng party. Kadalasang umaabot lang ng 30 sigundo mo sila puwedeng kausapin. Sapat na sa kanila malaman yung mukha, pangalan, tsaka narin yung facebook account mo - tapos aalis na sila.
2. LINTA. Sino sila? Sila yung mga tao na bigla kang gigitgitin sa isang tabi tapos kakausapin ka ng walang humpay kahit obvious na na hindi ka interesado. Tapos kapag matatapos na yung sasabihin nila, nagagawan parin nila ng paraan paa humaba pa yung usapan.
3. PAYASO. Ito yung mga taong laging "off" yung mga biro at banat. Yung tipong nag-uusap pa kayo ng barkada mo tapos magbibigay ng comment out of the blue. Kadalasan pa, gusto nila na sila ang sentro ng atensyon. Ika nga, kulang sa pansit.
Sino ka sa tatlong ito? Baka may kakaiba kang ugali sa party? Kahit anu pa yan, siguradong may saktong party para sayo' sa Afiesta, kaya ano pa hinihintay mo, tara na! Punta na sa afiesta.com