Huwebes, Oktubre 2, 2014
BAKIT TAYO MAY "PARTY?"
Birthday party, surprise party, dinner party, cocktail party, tea party, pre-party, after party, PARTY PARTY! Ang tanong - Bakit nga ba tayo nag paparty?
Malakas na tugtugan, patay-sinding ilaw, mausok na lugar at umaapaw na alak, eto yung mga madalas mong makikita sa isang party. Pagdating ng umaga, matinding sakit ng ulo, hangover, kalat na make-up at amoy usok na buhok naman ang makukuha mo. Pero kahit na ganito, bakit hindi natin maiwasan mag party? Bakit hindi tayo nagsasawa magpa gwapo o magpaganda pag pupunta sa party?
1. Uri ng pagtakas. Kahit sino naman siguro, minsan gustong kalimutan ang mga nakakapikon na nangyari sa kanya sa opisina o yung sakit na naranasan niya nung makipag break-up sa kanya boyfriend/girlfriend niya. Sa party, walang pakialam yung maga tao kung saan ka galing o anu mang nagawa mo. Yung itsura mo at galawan lang ang mahalaga. Puwede ka maging kung sino man gustuhin mo. Kahit gusto mo pa gayahin si Vice Ganda.
2. Hinahanap si soul mate. Oh wag ka na magkunwari! Alam mo naman talagang madaming single na pumupunta sa mga party (at parehas lang kayo ng ginagawa). Mapapansin mo yung mga tao na palibot libot sa party at kung sinu-sino kinakausap - yun yung mga taong may balak. (Basahin: Epektib lang ito bago mag alas-tres ng madaling araw dahil pagkatapos nun halos lahat may ka-partner na)
3. MASAYA. Eto yung ultimate reason bakit tayo pumupunta sa party. Mga kaibigan, kaasaran, crush, lahat yan makikita mo sa party. Lahat ng senses mo ramdam mo gumagana pag nasa party ka! Lalong lalo na pag lango kana sa kasiyahan (a.k.a. alak) Sa party makikita mo lahat ng mga pinaka nakatutuwang bagay, pati na yung mga ayaw mo makita. Pero after all, nasa party tayo para magsaya. Kaya isagad mo na!
Oh, ano pa hinihintay mo? Mag party na! San pa, eh di sa Afiesta! Punta na sa afiesta.com
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento