Miyerkules, Oktubre 15, 2014

6 NA URI NG MANGINGINOM

Lasinggero ka ba o simpleng manginginom? Tunghayan sa OctoberFest edition ng Afiesta!


1. ANG HINDI "DAW" UMIINOM. Ito yung mga tao na hindi talaga umiinom, At kahit anung pilit ang gawin mo, hindi mo sila mapipilit. Tipong may mag birthday, party, o pistahan hindi talaga siya iinom. Hindi mo maintindihan kung saan niya kinukuha yung lakas ng loob para mapagtagumpayan lahat ng tuksong nakapaligid. Ayos!
.
2. HINDI MASYADONG UMIINOM. Ito yung uri ng tao na sapat na yung isang baso ng alak o yung minsanang "shot na pre" sa kanto. Minsan mo lang mapipilit yung ganitong tao at kung mapiit mo pa, masama pa loob niyang iinom ng "extra shot". Ito yung mga tao na maghahatid sayo kapag sabog ka na.

3. SOSYAL NA MANGINGINOM. Ito yung espesyal nilalang na umiinom lang kapag may mga social gathering, handaan, o get together. Umiinom siya para maging "IN" sa mga katropa. Ito yung mga masarap lasingin since mabilis tamaan. Oo sila yung madalas nagigising sa labas ng bar.

4. NAPILIT NA MANGINGINOM. Ayaw naman talaga niyang uminom kaso dahil nga mdaming BI (bad influence) na kabarkada eh yun napipilit. Natatandaan mo ba yung first time na makatikim ka ng alak? Masarap ba? Diba hindi, pero dahil napilitan ka, gorabells lang habang pinipilit mo na ngumiti.

5. UMIINOM. Umiinom itong tao na to, period. Siya yung may laging naka imbak na alak sa bahay at madalas umiinom kapag nabubugnot o naaasar sa buhay. Alak ang nagbibigay ng ginhawa o kasiyahan sa kanya.

6. LASINGGERO. Ito yung buwisit na kapitbahay na sablay kumanta kapag lasing na parang sinasadya ihuli yung kanya niya sa lyrics na nakikita sa videoke. Sila yung madalas nakikipag away sa kalsada sa hindi maipaliwanag na dahilan, pero ito yung kadalasang rason:

  • Natalo sa bato-batopik.
  • Inasar ng kainuman na malaki tiyan (kahit totoo naman)
  • Hindi nagkasundo sa paboritong artista.
  • Natawag na bakla ng kainuman.
  • Kunwari galit pero ayaw lang mag share sa bayad.
  • Napikon dahil ginagawang ulam yung pulutan.
  • Nagiging "touchy" na sa kainuman (eg. humahalik, nagsasabi ng I love you, pare)
Hindi naman masama ang uminom, lalo na kung kontrolado. Sa pag inom nagiging mas makuwento tayo at nababawasan yung tensyon dala ng araw-araw na stress sa atin. Pero ugaliin nating ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa utak (as if puwede ipasok sa utak yung alak).

So, lasinggero ka ba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento