Sa party, madalas ka bang nakatambay lang sa tabi at walang kinakausap? Hindi ka ba pansinin? Nagtataka ka ba kung bakit parang ang dali lang sa mga kaibigan mo na humanap ng kakausapin? Hindi ka nag-iisa, alamin kung paano magiging cool -
Afiesta style!
Ugaliing Ngumiti. Sa kahit anong lugar (maliban sa burol) mas okey pag nakikita ka na nakangiti dahil ang pagngiti ay nagpapakita ng pagiging approachable mo, at dahil diyan mas magiging palakaibigan ang tingin sayo ng mga tao sa iyong paligid. Subukan mo next time na ngumiti at makikita mo agad ang epekto nito sa ibang tao.
Maging Makwento. Pansin mo ba na yung mga tao na madaming kwento ay madalas pinalilibutan ng tao? Bakit kaya? Simple lang, mas interesado tayo sa tao na hindi lang tungo ng tungo kundi yung 'may alam' at marunong mag-share ng nakakatawa o nakaka aliw na kwento.

Oh, ngayong alam mo na, tara na sa Afiesta!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento