Miyerkules, Oktubre 1, 2014

PAANO GAMUTIN ANG HANGOVER



Ngayong alam mo na kung gaano kasaklap gumising pagkatapos ng drinking-spree niyo kagabi, siguro nag iisip-isip ka na kung uulit ka pa uminom ng wagas. 'Wag kag mag-alala, Afiesta ang bahala sayo! Inipon namin ang lahat ng dapat mong malaman para oks na oks ang gising mo - kahit isang timba pang alak inumin mo.

1. Tulog. Obvious ba?  Ang pagpapahinga ang pinaka-epektibong pantanggal ng hang over dahil sa pagtulog sinusubukan ng katawan mo na bumawi sa lahat ng alak na pinatumba mo.

2. Tubig. Sabi nila ang tubig daw ay "universal medicine". Tumatalab din ito sa hangover lalo na kung marami ka talagang nalaklak na bote. Malamang yung daluyan ng dugo mo alak na yung dumadaloy. Uminom ng madaming tubig hanggang makaramdam ng ginhawa. Aaaahhh

3. Ehersisyo. @_@. Ganyan itsura mo nung mabasa mo to. Ang pag eehersisyo, nakakagulat man ay epektibo sa pag gamot sa hangover. Huwag mo lang sobrahan, dahil baka lalo kang ma dehydrate. Yung saktong tama lang.

4. Maligo. Hindi ka lang lilinis, magigising at mape preskuhan ka pa. Ang pagligo ay nakakapagbigay ng instant na ginhawa sayo pag lasing ka. Siguraduhin mo lang na dika makakatulog sa loob ng banyo, mahirap na.

AT ANG PINAKAMATINDI...

5. Umiwas. Malaki (matanda) ka na, alam mo na dapat kung paano kontrolin ang pag-inom. Pero kung di talaga maiwasan, limitahan mo nalang yung pag-inom sa kaya mo lang. Hindi yung hanggang kaya mo pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento